Ito ang ginawa namin para sa IT-Project (thesis: A.Y. 2011-2012) subject.

.

ANG PROYEKTO at PANANALIKSIK:

Ayon sa pag-aaral ng mga tagapagsaliksik (TeamOS), napakababa ng kalidad ng pagbabasa ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa elementarya at hayskul. Ayon din sa kanilang pag-aaral, ang mga kabataan ngayon ay mas gustong maglaro ng “computer games” kaysa sa mag-aral. Kaya naman naisipan ng grupo na gumawa ng isang programa kung saan ang pag-aaral, pagbabasa at pagsasaya ay pinagsama.

.

ANG LARO:

Ang KUWENTO ay isang laro na ang layunin ay turuan ang mga estudyante lalong-lalo na sa elementarya ng mga kuwentong Pilipino.

Ito’y pinagbibidahan ni Ped, isang pasaway na estudyante na laging natutulog sa klase. Isang araw ay nahuli ito ni Miss Mayumi, pinagalitan at pinarusahan. Pinapunta niya si Ped sa silid aklatan upang magbasa ng libro at pagkatapos ay sagutin ang test na ibibigay. Si Ped ang gaganap na pangunahing bida sa bawat kuwento na kanyang babasahin.

———————-

Marami pa po itong bugs at pwede niyo pa po itong mapaganda. Pasensya na po sa mga typographical errors, game glitches, mejo malabong story line, game concept & controls, at iba pang errors (version 1 pa po kasi ito). Mejo boring nga lang at halos lahat ay summarized na (madalian kasi). Pasensya na rin kung may mga karakter na may kamukha, hindi namin sadya, talagang yun lang ang naisip at nakita naming magandang iguhit at gawin. Ibong Adarna story pa lang po ang gumagana (pasensya na po). ‘Wag po i-full screen, makikita ang kapangitan ng aming ginawa (heheehe).

———————-

Download links here:

File name: KUWENTO v1.0.exe

click this -> Download KUWENTO v1.0 at Rapidshare

click this -> Download KUWENTO v1.0 at Mediafire

————————

salamat.😄

————————

screen shots: